Home NATIONWIDE Lava effusion, lava flow na naobserbahan sa Mayon Volcano — PHIVOLCS

Lava effusion, lava flow na naobserbahan sa Mayon Volcano — PHIVOLCS

192
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na nagkaroon ng lava effusion na may lava flow na naobserbahan sa Mayon Volcano sa Basud, Bonga at Misi gullies sa loob ng nakalipas na 24-oras.

Ayon pa sa Phivolcs nagkaroon din ng apat na volcanic earthquakes, 305 rockfall at pyroclastic density current signals at nagkaroon ng crater glow, na inuri bilang “fair,” na makikita ng mata.

Naglabas din ang bulkan ng 3,891 tonelada ng sulfur dioxide flux kada araw noong Lunes, Pebrero 23, 2026.

Kaugnay nito naobserbahan din ng PHIVOLCS ang nakakubli ng usok at ground deformation, na inilarawan bilang isang napalaki na gusali ng bulkan.

Nabatid pa sa ulat na kabilang sa mga posibleng panganib ang: rockfalls o landslide o avalanches, ballistic fragment, lava flows at lava fountaining, pyroclastic density currents, moderate-sized na pagsabog, at lahar sa panahon ng malakas at matagal na pag-ulan.

Sinabi pa sa ulat na nakataas ang alert level 3 o mas matinding kaguluhan at magmatic na kaguluhan ay nananatili sa bulkan. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here