Home ENTERTAINMENT Ivana, may pa-bulalo na, may pa-1k pa!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Ivana, may pa-bulalo na, may pa-1k pa!July 28, 2025 11:503250 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Bagyo ba, ‘ika n’yo?Well, may sariling bersyon si Ivana Alawi na nakisabay pa sa hagupit ng bagyo.Namahagi lang naman ang actress-vlogger ng ayuda.Hindi relief goods, kundi bulalo na siya mismo ang nagluto.Dahil malamig nga naman ang panahon, it went well with mainit na sabaw ng bulalo complete with veggies.Makikitang pinakuluan muna ni Ivana ang tubig na may mga sibuyas at luya sa isang napakalaking kaldero.Maya-maya’y inihulog na niya ang bone marrow ng baka.Sa huli’y isinama na niya ang mga gulay tulad ng string beans, patatas at pira-pirasong mais.Si Ivana na rin mismo ang nag-repack, gamit ang mga microwavable containers.She was also the one who distributed them.Bale ang mga nabiyayaan ay mga tindera sa lansangan, mga bata, bystanders at kung sinu-sino pa.Pag abot niya ng mga ‘yon ay humugot pa siya ng tig-iisang libo sa bawat nabigyan niya ng bulalo with rice.Saan ka pa? Ronnie Carrasco III