Home ENTERTAINMENT Ivana, todo-puri kay Fyang!

Ivana, todo-puri kay Fyang!

Manila, Philippines- Puring-puri ni Ivana Alawi ang ugali at personalidad ni Fyang Smith nang magkuwento siya sa ilang members ng showbiz press kamakailan para sa kanyang pa-thanksgiving.

Talaga raw nag-enjoy si Ivana sa vlog collab nila ni Fyang at umaasa rin siya na mabigyan sila ng pagkakataon na magkasama sa isang acting project.

Sa isang panayam, nahingan si Fyang ng reaksyon sa magagandang salita na ibinigay ni Ivana patungkol sa kanya.

“Dumaan po siya sa feed ko and sobrang na-touch po ako. Sobrang na-overwhelm po ako kasi nag-iisang Ivana Alawi, sinabi na ako yung favorite niya.

“Tungkol po sa vlog namin, actually nakalimutan ko po na vlog po pala yun and super nag-enjoy po talaga ako with Miss Ivana,” aniya.

Dagdag pa ng dalaga, “Actually si Miss Ivana rin po yung gusto kong maka-work if ever may teleserye or movie, super happy po ako.”

Sa chikahan ng dalawang Kapamilya stars, nalaman ng madlang pipol na pareho rin nilang gustong maka-work sina Kathryn Bernardo at Anne Curtis.

Type ni Ivana na makasama sa isang project si Piolo Pascual. Rommel Placente