Home NATIONWIDE Pangungulelat ng Pilipinas sa Math, Science assessment ikinalungkot ng mga dating guro

Pangungulelat ng Pilipinas sa Math, Science assessment ikinalungkot ng mga dating guro

MANILA, Philippines – IKINALUNGKOT ng mga dating guro ang pangungulelat ng Pilipinas sa math, reading at science sa learning assessment na isinagawa sa katatapos na Program for International Student Assessment (PISA) sa mga bansang lumahok sa pagsusulit.

Ayon kay Cong. Julieta Cortuna A Teacher Partylist, nakakalungkot ito dahil bilang dating guro na siyang nagturo at nagbigay ng karunungan sa kanyang mga estudyante, hindi maiiwasan na madismaya sila sa naging resulta ng naturang examination.

Sa ginanap na forum sa Quezon City “Bakit Kayo sa Kongreso” sinabi Cong. Cortuna na hindi maaaring ipagwalang bahala na ang pangungulelat ng bansa sa ibang bansa pagdating sa math, reading at science at malaking usapin umano ito sa programa natin sa educational system.

Nauna rito kamakailan lang nang ilabas ng Organisation for Economic Co-operation and Development (OECD) ang Program for International Student Assessment (PISA) 2022, kung saan kulelat ang ranggo ng bansa ng mga Filipino students kumpara sa 81 bansang lumahok:

“Hindi nakaka focus ang ating mga guro sa pagtuturo dahil over loaded sila ng mga trabaho at kailangan din i-upgrade ang teachers salaries” ayon pa kay Cong. Cortuna.

Sinabi pa ni Cong. Cortuna ang poor performance ng ating mga learners ay hindi lamang simpleng problema ng edukasyon lamang kundi ng ating bansa sa kabuuan.

“Ang isa sa nakikita ko dito the teachers, teaching the wrong subject” ayon pa kay Cong. Cortuna.

Nabatid na ine-evaluate ng PISA ang literacy ng mga 15-anyos kada tatlong taon simula pa noong 2000. Matatandaang Pilipinas ang nakakuha ng may pinakamababang scores sa reading comprehension pagdating sa 79 lumahok dito noong 2018.

Sinabi pa ng kongresista na nangangailangan ang mabilis at matinding pagsusumikap sa lahat ng sektor para harapin ang krisis sa edukasyon. Santi Celario