Home ENTERTAINMENT Iza, pinagmalaki ang pagiging ‘action star’ ni Baby Deia!

Iza, pinagmalaki ang pagiging ‘action star’ ni Baby Deia!

Manila, Philippines – Para kay Iza Calzado, time really flies dahil eight months na ang anak niyang si Deia Amihan.

The Deia is Iza’s child by her husband Ben Wintle.

Ipinangalan ni Iza ang anak sa kanyang karakter sa fantaseryeng Encantadia ng GMA noong 2006.

Asked how she’ll describe being a first-time mom, ayon kay Iza: “Nakakabaliw in a nice way!”

The actress-mom takes pride in raising a child na hindi raw iyakin like most babies bagama’t wala raw siyang puwedeng gamiting basis dahil wala naman siyang mga nakasamang sanggol sa bahay.

Pero sure siya na mabait daw ang kanyang anak.

“Pag umiiyak siya, I’ll just tell myself ‘this is part of it.’ Na normal lang ‘yon,” aniya.

Pero nagagalit daw ito pag pinapalitan ng diaper to the point na: “Action star siya!”

Ibang klase rin daw ito noong matutong gumapang.

At seven months, sa halip daw na dibdib ang ginagamit nito para gumpang ay tinutukod daw nito ang kanyang braso.

“Ang lakas niya! Feeling ko, isa siyang sang’gre, nagmana sa akin!” pagbibida pa ni Iza.

May namana rin naman daw si Deia Amihan sa kanyang ama: her being funny and animated.

Pag hindi raw kasi nakatutok ang cellphone camera sa kanya ay nakakatawa raw pagmasdan ang anak.

Pero “very Ben” na raw ito pag alam nito that the camera is focused on her.

Bigla raw kasing magseseryoso ito.

Overall, Iza is basking in the joys of motherhood: “It’s such a blessing!” sabay nag-sign of the cross to express her eternal gratitude. Ronnie Carrasco III

Previous article59-foot Christmas tree ng San Jose del Monte City, pinailawan na
Next articleMuslim, Kristiyano balak pagsabungin ng nagpasabog sa Marawi – solon