Home ENTERTAINMENT Jak, pinupulutan ng mga haters!

Jak, pinupulutan ng mga haters!

Manila, Philippines – For sure, wala ring makitang dahilan si Jak Roberto mismo kung bakit ganoon na lang siya kung pulutanin ng mga haters sa social media.

Parang ang kasalanan lang naman niya–kung kasalanan ngang matatawag–ay ang maging nobyo ni Barbie Forteza.

Ang masakit, Jak’s haters wish bad luck on him.

Imagine, nananalangin ang mga ito na tanggalin na raw si Jak bilang Sparkle artist?

Katwiran ng mga bashers, wala naman daw kasing ibubuga si Jak sa aktingan.

Matanda na rin daw ang aktor na hindi sumikat-sikat.

Inihahambing din ng mga haters ang kawalan ng sigla sa career ni Jak compared to Barbie.

At least daw, si Barbie ay may bagong aabangang show, ang Pulang Araw.

Eh, si Jak daw ba’y proud he has a career going for him?

Lest these haters forget, FYI…katatapos lang ni Jak ng afternoon serye na My Missing Husband.

Hindi naman puwedeng agad-agad ay meron siyang followup TV project or else mananawa sa kanya ang mga manonood.

Tila ang baaher na ‘yon ay nakatagpo ng mga kaalyado, kaya all of them are ganging up on Jak!

Call it hate campaign or black propaganda against the defenseless Jak.

As a consequence, apektado tuloy ang “social media life” nina Barbie at Jak.

Bukod sa bihira na silang magpost ay limitado pa ang maaaring mag-comment. Ronnie Carrasco III

Previous articleLGUs pinakikilos para sa flagship housing program ng Marcos admin
Next article‘Unconsolidated’ PUV operators aasistihan ng DSWD