Manila, Philippines- Damay ang mga taga-showbiz na nahati sa ginawang pag-aresto sa dating pangulong Rodrigo Duterte.
May mga against pero marami rin naman ang pabor.
Siyempre, ganun na lang ang pagkagulat ng mga masugid na tagasuporta ni Duterte at nabahala sa pagkakaaresto sa kanya.
Pero marami pa rin namang ang naging positibo ang reaksiyon dahil sa wakas daw ay mapagbabayaran na ni FPRRD ang mga kasalanan nito noong siya pa ang nakaupo sa Malacañang.
Kasama na rito ang hindi makakalimutang ginawang pagpapasara ni Duterte sa numero unong TV station noon na ABS CBN channel 2.
Kabilang sa talagang vocal na nagpahayag ng kanyang saloobin sa pagkaaresto sa ama ni VP Sarah ay ang aktor na si Jake Ejercito.
Sa Facebook account ni Jake ay ibinahagi ng aktor ang huling salitang binitawan ni Kian Delos Santos bago ito patayin sa gitna ng anti-drug campaign sa Caloocan City, last 2017.
Walang hindi nakakaalam na isa si Kian sa mga menor-de-edad na walang-awang pinaslang ng mga awtoridad kaugnay ng malawakang kampanya ng administrasyong Duterte kontra-droga.
17 years old si Kian nang walang awang pagbabarilin ng pulisya matapos mapagkamalang pusher ng ipinagbabawalang gamot, huh!
Mababasa sa quote card ni Jake na may picture pa ni Kian ang mga katagang, “Tama na po! Tama na po! May test pa ako bukas…”
May caption pa si Jake sa kanyang post:
“Ang mali ay may bayad, at ngayon na ang singilan.”, huh!
Well, knows naman nating si Jake ay anak ni dating Pangulong Estrada sa dating aktres na si Laarni Enriquez, huh!
May mga naantig din tiyak sa post naman ng beteranong GMA newscaster na kapwa namin taga-Tondo na si Arnold Clavio, huh!
Sa caption, sinabi ni Arnold na hindi katanggap-tanggap na gawing dahilan ang edad ni Duterte, 79, para kaawaan, huh!
Paano naman daw ang mga menor-de-edad na napaslang daw noon sa administrasyon ng dating Pangulo na hindi naman nagawang kaawaan ng mga awtoridad, huh!
“EHEM: Sabi nila , ‘HINDI NA SILA NAAWA KAY DUTERTE , MATANDA NA!’
“Teka , noong WALANG AWA nilang pinatay sina si Kian , 17 yrs. old , si Joshua , 17 yrs. old , si Jemboy , 17 yrs. old , NAAWA ba sila sa mga menor de edad ?” bahagi pa ng post ni premyadong newscaster, huh!
“Sa araw na ito , simula ninyo nang makamit ang katarungan,” dagdag pa niya.
Nais pa rin namang mapanagot ni John Lapus si Duterte sa madugo nitong kampanya kontra-droga
Bukod kina Jake, John at Arnold ay marami pa rin ang nagpahayag ng kanilang suporta sa libu-libong pamilyang humihingi ng katarungan sa pagkamatay ng mga mahal sa buhay noong panahon ng administrasyong Duterte, huh! Jimi Escala