Home ENTERTAINMENT Jake, sinagot ang despedida ni Gwen; Andi, nagpunta!

Jake, sinagot ang despedida ni Gwen; Andi, nagpunta!

Manila, Philippines – Masasayang alaalala ang tiyak na ibinaon ni Gwen Guck nang bumalik sa Amerika kamakailan.

Si Gwen ay anak ng yumaong aktres na si Jaclyn Jose kay Kenneth lagan, miyembro ng bandang The Dawn noon.

Nakabase si Gwen sa US dahil nag-aaral ito doon.

He came home kumbaga in the nick of time, a day before his mom’s inurnmemt.

Matatandaang umaga ng March 2 nang pumanaw si Jaclyn sa loob ng kanyang tahanan.

Matapos ang inurnment ay dinala ng kanyang nakatatandang kapatid na si Andi Eigenmann si Gwen sa Siargao.

Doon naman nakabase si Andi sa piling ng kanyang partner na si Philmar Alipayo at dalawang anak.

Kasama rin nila si Ellie, anak ni Andi kay Jake Ejercito.

Sa Siargao ipinalasap ni Andi kay Gwen ang island life, bagay na matagal nang gusto nitong iparanas sa ina noong nabubuhay pa ito.

Tiniyak naman ni Andi that “Nanay was watching over us from above” as the siblings happily bonded together.

Samantala, si Jake ang nagsilbing sponsor sa despedida party ni Gwen as posted sa kanyang

Instagram Story nitong March 25.

Naunang nabalita na nakatakdang bumalik si Gwen sa Amerika nitong March 24.

Kaya hindi malinaw if Gwen flew back to the US one day after Jake’s IG post.

Tila sa restaurant idinaos ang despedida para kay Gwen.

“Safe travels, Gwen and Kris!” caption ni Jake sa larawan kuha sa resto.

Naroon si Andi at ang anak nila ni Jake na si Ellie.

Sa side din ni Andi ay present ang nakatatandang kapatid ni Jaclyn at tiyahin niyang si Veronica Jones.

Kasama naman ni Jake sa kanyang side ang kapatid na si Jerika Ejercito. Ronnie Carrasco III

Previous articlePops, ‘pumalpak’ sa pagiging yaya sa apo, nag-sorry!
Next articleWorld tour ng SB19, tuloy na!