Home ENTERTAINMENT Pops, ‘pumalpak’ sa pagiging yaya sa apo, nag-sorry!

Pops, ‘pumalpak’ sa pagiging yaya sa apo, nag-sorry!

Chicago, USA – Dual ang personality ngayon ng Concert Queen na si Pops Fernandez.

Kasalukuyang nasa Chicago si Pops para bisitahin ang apo na si Baby Finn.

Si Baby Finn ang anak ni Robin kay Mian Acoba.

Tinapos lang kumbaga ni Pops ang kanyang mga natanguang commitments dito to fulfill her tasks.

As in Lolli Pops (that’s how she wants to be addressed as grandma) na, yaya pa!

Nakakaaliw nga ang video showing Pops putting on a diaper.

You can’t blame the singer kung sumablay man siya dahil ilang taon na nga naman since she took care of her youngest child by Martin Nievera?

Hayun, hindi maisuot-suot ni Pops ang diaper sa kanyang apo dahil baligtad ang pagkakalagay niya!

Nag-sorry naman si Pops sa walang kamalay-malay na apo, clueless about her grandmotherly foul-up.

From the looks of it, while waiting for the next major gig back here ay mukhang magtatagal si Pops sa Chicago.

So kelan naman kaya maisisingit ni Martin ang pagbisita sa apo? Ronnie Carrasco III

Previous articleDaniel, nagparamdam sa 28th bday ni Kathryn!
Next articleJake, sinagot ang despedida ni Gwen; Andi, nagpunta!