Home ENTERTAINMENT Daniel, nagparamdam sa 28th bday ni Kathryn!

Daniel, nagparamdam sa 28th bday ni Kathryn!

Manila, Philippines – Beautiful memories live on.

Ito ang gustong patunayan ni Daniel Padilla sa kabila ng paghihiwalay nila ni Kathryn Bernardo late last year.

Sa inaasahang pagkakataon, hindi nakalimot si DJ (palayaw ng aktor) na hindi batiin ng ika-28 birthday ang dating kasintahan nitong March 26, Martes.

Give-away ang post ni Daniel sa kanyang Instagram Story.

Nag-post siya ng blurred photo ni Kathryn na nagse-selfie.

Palatandaan din ang sunflower sa lower left ng IG Story ng aktor.

Nilakipan ito ni Daniel ng simpleng pagbati ng “Happy birthday!”

Matatandaang Kathryn and Daniel broke up November last year.

Nauna muna si Kathryn sa pagkumpirma nito, sumunod si Daniel moments later via social media.

Mutual decision daw ang kanilang breakup na gumulantang sa kanillang mga tans.

Despite their breakup, marling sinabi ni Daniel na hinding-hindi niya makakalimutan ang pinagsamahan nila ni Kathryn.

Eleven years ding tumagal ang kanilang relasyon.

Dagdag pa ni Daniel, mananatili raw sa kanyang alaala ang adventures nilang dalawa sa loob ng panahong magkarelasyon sila.

Habang sinusulat ito’y inaabangan ng mga netizens ang reaksyon ni Kathryn.

Samantala, proud ang 28 anyos na aktres for being the first ever Filipino ambassador of Lancomè, a French perfume and cosmetic house.

For sure, ikina-touch ni Kathryn ang pagbati ng nobyo.

Pero ang tanong: will Daniel’s greeting pave the way for their reconciliation? Ronnie Carrasco III

Previous articleAngeline Aril, may trauma sa cheater!
Next articlePops, ‘pumalpak’ sa pagiging yaya sa apo, nag-sorry!