Home ENTERTAINMENT Angeline Aril, may trauma sa cheater!

Angeline Aril, may trauma sa cheater!

Manila, Philippines – Ipinakilala ng Vivamax ang pinakabago nilang sex siren, si Angeline Aril, na bida sa pelikulang Cheater.

Sa mediacon at hjndi naiwasan pag-usapan ang mga karelaston na cheater.

Nalaman din sa mediacon na may trauma pala si Angeline sa mga manloloko dahil siya miamo ay produkto ng broken family.

Hiniwalayan daw ng kanyang ina ang kanyang ama dahil sa pagiging cheater.

“19 years old na ako ngayon and hindi ako mabobola ng mga lalaki na yan. Lagi akong sinasabihan ako ng mommy ko.

“Cheating din kasi ang dahilan kaya sila naghiwalay ng dad ko and wala kaming kontak sa dad ko now pero I’m not mad sa father ko.

“Tina-try ko siyang i-reach out pero wala.

“Dahil sa nangyari sa aking family kaya ayoko sa cheater. Ayokong maging kabit,” mayaba niyang kwento.

Binanggit din ni Angeline na if ever, kapag niloko raw siya ng karelasyon, feeling niya ay gaganti siya.

“Wala na ring second chance because I respect myself and I know my worth,” dagdag pa niya.

Nagsimula si Angeline sa mga events and car show.

Binanggit din niya na sa ngayon ay isa pa lang ang naging bf niya.

“I’m studying college sa FEU taking up mass comm and I love my job right now bilang Vivamax artist.

“Mahiyain ako nu’ng bata ako. Bit now, I feel confident when I’m sexy.

“Hindi ko rin pipiliin ang lalake in place of my career.

“Maraming nagpaparamdam sa akin ngayon pero prioroty ko ang career and family ko.

“May nag-offer na sa akin ng house and lot pero hndi ko tinanggap kasi sa pride,” sabi pa niya.

Ang Cheater ay streaming na sa Vivamax soon. JP Ignacio

Previous articleVice Ganda, nape-pressure sa GMA?
Next articleDaniel, nagparamdam sa 28th bday ni Kathryn!