Home ENTERTAINMENT Vice Ganda, nape-pressure sa GMA?

Vice Ganda, nape-pressure sa GMA?

Manila, Philippines – Ang inaasahan ay hindi nagkaroon ng katuparan.

Ganito raw ang eksaktong nangyari nang makumpirma nang simula sa April 6 ay It’s Showtime na ang mapapanood sa GMA.

Mula sa GTV ang noontime show.

With its transter to GMA, inaasahang lalong iigting ang pakikipagbanggaan nito sa Eat

Bulaga sa TV5.

Ang It’s Showtime ang pumalit sa time slot ng Tahanang Pinakamasaya na prodyus ng Jalosjos-owned na Tape, Inc.

Maugong kasi ang balitang isang station-produced noontime show ang ipantatapat ng GMA sa EB.

Supposedly, ang bubuo dapat nito’y mga staff din ng Tiktoclock.

Ang staff ng Tiktoclock ang nasa likod din noon ng programang Sis.

Matatandaamg Sis was hosted by sisters Janice and Gelli de Belen and Carmina Villaroel.

Nang tinapatan sila ng It’s Showtime ay lumaylay ang ratings ng noo’y namamayagpag na Sis hanggang tuluyan nang namaalam sa ere.

Balita kasing hindi lahat ng mga GMA insiders ay masaya sa pagpasok ng Showtime sa kanilang bakuran.

Katumbas daw ‘yon ng kawalan ng tiwala sa mga tauhan ng GMA in putting up a good show that can rival EB.

Gaano rin katotoo ang kumakalat na balita na may kuwento sa likod ng pahayag ni Vice Ganda na: “Nakaka-prrssure!”

Si Vice Ganda ang main host ng Showtime who had dinner recently with GMA executives kasama ang mga ABS-CBN bosses.

Ayon sa kumakalat na balita, binigyan umano ng tatlong buwang palugit ng GMA management ang Showtime para talunin ang EB.

Sa parte naman ng Showtime, nangako raw ito na pagbubutihin nila ang kanilang trabaho.

Pero napakaikli raw ng three-month period to prove their dominance over EB.

Hindi raw ba mas realistic kung six months hanggang isang taon ang palugit na ibinigay sa kanila?

Sabi nga raw ng isang Showtime insider: “Ano ‘yon, nagtanim ka ng buto ngayon, gusto mo bukas na bukas din, eh, mamunga na ang puno?!” Ronnie Carrasco III

Previous articlePH Red Cross todo-alerto sa Semana Santa
Next articleAngeline Aril, may trauma sa cheater!