Home ENTERTAINMENT Jake, single pero hindi naghahanap!

Jake, single pero hindi naghahanap!

Manila, Philippines – Ayon kay Jake Ejercito ay wala siyang kasintahan ngayon.

Bukod sa trabaho ay ang pagi­ging ama sa anak nila ni Andi Eigenmann na si Ellie ang pinagtutuunan ng panahon ng aktor.

“Kung naghahanap ba ako? As of now, no. My priority is my daughter and my work. With work pa lang and being a father, medyo mahirap na to manage my time lately. I am still trying to get used to it,” sabi ni Jake.

“Of course, being a dad is a full-time job but luckily, given our setup, I have a great co-parent with Andi. So kahit paano, nahahati ‘yung pagiging parent,” paliwanag pa ni Jake.

Para sa aktor ay sapat na sa kanya na nakakasama at naaalagaan niya nang personal ang anak sa tuwing mayroong pagkakataon. Ayon kay Jake ay para sa anak ang lahat ng kanyang mga ginagawa ngayon.

“Kasi ‘yung setup namin, most of the time she’s with her mom sa Siargao. So parang sine-schedule na lang namin na kapag hindi ako masyadong busy, that’s when she stays with me.

“Ellie quite naturally is my number one inspiration. Everything is for her. I am doing this for her,” aniya pa. Rommel Placente

Previous articleBong Go: Serbisyo ng Malasakit Centers, epektibo
Next article3 miyembro ng NPA patay sa engkwentro