Home ENTERTAINMENT Janella at Klea, spotted: HHWW sa Cebu airport!

Janella at Klea, spotted: HHWW sa Cebu airport!

186
0

Manila, Philippines – Sabi nga, “Action speaks louder than words.”

At kung gagamiting basehan, obyus bang may something kina Janella Salvador at Klea Pineda?

Spotted kasi ang rumored same sex couple na magka-holding hands while walking sa Mactan-Cebu International Airport.

Ilan ngang netizens ang nag-upload ng video nina Janella at Klea.

Nakasaad sa caption na: “The kind of chemistry you can’t fake. ctto.”

Another caption reads: “Janella Salvador at Klea Pineda naaktuhang holding hands sa Cebu Airport!”

May nag-post pang happy at enjoy ang couple habang stressed ang mga bashers.

Base sa video na inilabas ng kanilang fans, the couple bought a sizeable piece of land.

“Grabe ang lawak ng lupa na nabili nina Klea at Jea. Congrats…deserve n’yo ‘yan!”

Hindi tiyak ang location ng nasabing property.

Matatandaang last February 10 lang ay sighted din ang dalawa sa kaarawan ng ina ni Klea na si

Charito Pineda sa isang resort sa Angeles, Pampanga.

To this day, walang inaamin o tinatanggi sina Janella at Klea–na nagsimulang maugnay sa isa’t isa nang gawin nila ang queer film na Open Endings for Cinemalaya.

Eh, ano naman kung sila na?

Then we should all be happy for them! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here