Home ENTERTAINMENT Jao, art teacher na sa isang intl school!

Jao, art teacher na sa isang intl school!

Manila, Philippines- Figurative expressionist.

Ito raw ang uri ng pintor bilang paglalarawan ni Jao Mapa sa kanyang sarili.

Mga pigura–tao man o hayop–na may hatid na expression ang karaniwang subject niya.

Jao’s works also depict the usual Pinoy’s pastime o ways tulad ng sabong o paglalaro ng chess.

Madalas ay acrylic ang medium na gamit niya.

There are also times when he uses water color na pag inumpisahan niyang magpinta ay aabutin lang ‘yon ng isang upuan–and presto, buhay na buhay na ang kanyang work of art.

Ito’y hindi kataka-taka as Jao finished Fine Arts at the University of Santo Tomas.

Taong 1997 sa edad na 17 nang pasukin niya ang showbiz.

Even at the peak of his showbiz career in 2000, Jao opted to go back to school.

Inamin niyang nabagot din siya sa buhay pag-aartista.

Nag-pay off naman ang pagpili ni Jao sa pagpipinta over showbiz.

Sa ngayon, isa na siyang art teacher sa isang international school.

Months ago, si Jao ang humalili kay Jomari Yllana sa reunion movie ng grupong Guwapings na sumikat noong dekada nobenta.

Jao became an addition to the group which originally had Jomari, Eric Fructuoso and Mark Anthony Fernandez. Ronnie Carrasco III