Home NATIONWIDE Japan nagbigay ng $5M sa pagpapalakas ng climate resilience sa BARMM

Japan nagbigay ng $5M sa pagpapalakas ng climate resilience sa BARMM

MANILA, Philippines – Naglaan ang Japanese government ng $5 million para palakasin ang
climate-resiliency ng mga kabuhayan sa mga vulnerable community sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Sa pahayag nitong Biyernes, Marso 28, sinabi ng Embassy of Japan sa Manila na pumirma at nakipagpalitan ng note si Ambassador Endo Kazuya kay World Food Programme (WFP) Representative & Country Director in the Philippines Regis Chapman para sa “Project for Enhancing Climate-Resilient Livelihoods in Vulnerable Communities in Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.”

“Extreme weather events driven by climate change pose a significant and growing threat to peace and stability in BARMM,” pahayag ni Kazuya.

“Japan has firsthand experience with natural disasters, so we understand how devastating and costly these calamities can be. We want to support our Filipino friends, particularly in BARMM, in strengthening their resilience and preparedness for these challenges,” dagdag pa niya.

Ang tatlong taong proyekto na pangungunahan ng WFP, ay layong palakasin ang disaster management capabilities sa mga local government unit.

Dagdag pa, layon din nitong pagbutihin ang kabuhayan ng mga magsasaka sa BARMM sa paglalagay ng early warning systems para matulungan ang mga ito na maghanda sa mga extreme weather conditions.

Magtatayo din ang programa ng disaster risk management plans at pangangasiwa ng irrigation systems bilang bahagi ng climate change adaptation efforts. RNT/JGC