Home NATIONWIDE Japan nagpadala ng expert team vs Navotas landfill fire

Japan nagpadala ng expert team vs Navotas landfill fire

102
0

MANILA, Philippines – Nagpadala ang pamahalaan ng Japan ng team ng disaster relief experts na susuporta sa nagpapatuloy na response efforts sa sunog sa Navotas landfill.

Ayon sa Japan International Cooperation Agency (JICA) nitong Biyernes, Abril 24, ang deployment ay kasunod ng activation ng Japan Disaster Relief (JDR) Operations matapos makatanggap ng assistance request mula sa pamahalaan ng Pilipinas.

Ang six-member team na dumating sa Manila nitong Huwebes ay nagsagawa ng technical assessments at nagbigay ng patnubay sa mahigpit na pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad ng Pilipinas.

Sa pamamagitan ng JDR Operations, tutulong ang team sa local responders na magsagawa ng site inspection at palakasin ang nagpapatuloy na response measures.

Nagdudulot na ngayon ng pangamba sa kalusugan ang sunog sa 41 ektaryang landfill dahil sa makapal na usok na naibubuga nito at nakakaapekto sa malaking bahagi ng Metro Manila at Bulacan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here