MANILA, Philippines- Niyanig ng magnitude-6.0 na lindol ang Fukushima region sa northeastern Japan nitong Huwebes, ayon sa Japan Meteorological Agency, subalit walang tsunami warning na inisyu.
Hindi agad naglabas ng ulat ukol sa pinsala o mga biktima ng lindol, na ang lalim ng epicenter 40 kilometers (25 miles) at naramdaman sa Tokyo.
Isa ang Japan sa most tectonically active countries sa buong mundo, na nakararanas ng halos 1,500 pagyanig kada taon, mayorya sa mga ito ay mahina lamang.
Naitala ng United States Geological Survey ang magnitude ng lindol sa 6.1, na may lalim na 40.1 kilometres.
Kasunod ito ng pagkasawi ng nasa siyam na indibidwal at pagkasugat ng mahigit 1,000 mula sa malakas na lindol sa Taiwan.
Nagdulot ng pinsala ang magnitude-7.4 na lindol nitong Miyerkules sa mga gusali sa Taiwan at naging mitsa ng paglalabas ng tsunami warnings hanggang sa Japan at sa Pilipinas. RNT/SA