Home NATIONWIDE Japan, SoKor naghahanda sa bagyong Khanun

Japan, SoKor naghahanda sa bagyong Khanun

MANILA, Philippines – Naghahanda na ang Japan at South Korea sa pananalasa ng bagyong Khanun, o kilala sa Pilipinas bilang bagyong Falcon.

Ayon sa Japan Meteorological Agency (JMA), ang bagyo ay namataan 160 kilometro silangan-hilagang silanganng Amami City sa southwestern Japan at kumikilos pa-hilangan.

Makaraang manalasa sa kanlurang bahagi ng Nagasaki prefecture, inaasahang kikilos ang bagyong Khanun pa-hilaga patungong South Korea.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 108 kilometro kada oras at pagbugso na aabot sa 144 kilometro kada oras.

Inaasahan naman ang 300-400 mm na pag-ulan mula Martes hanggang Miyerkules sa Shikoku at southern Kyushu regions, 200-300 mm ng ulan sa Amami, at Kinki sa Western Japan maging ang central region ng Tokai.

“Due to the slow movement of the typhoon and its prolonged impact, total rainfall may greatly exceed the normal monthly rainfall for August in the Pacific Ocean side of Kyushu and western Japan, and in the Tokai region,” sinabi ng JMA. RNT/JGC