Manila, Philippines- Few days after i-release ni Javi Benitez ang kanyang official statement sa break-up nila ng girlfriend na si Sue Ramirez, may latest post sa socmed ang Mayor ng Victorias City, Negros Occidental ukol sa status ng relasyon nila ng aktres.
Post ni Mayor Javi, “Sa mga ga-submit sang application para mangin girlfriend ko, ‘Closed for Renovation’ pa kita subong! Focus lang kita sa ubra kag kampanya anay. Mga Maritess, relax lang kamo ha, indi gid kamo mag-una!”
Sa Filipino translation, “Sa mga magsusumite ng application para maging girlfriend ko, ‘Closed for Renovation’ pa rin kami! Focus na lang muna tayo sa trabaho at campaign. Maritess relax lang wag muna!”
Hindi raw siya nag-e-entertain ng thoughts ng bagong babae sa buhay niya but instead, may nakabuntot na “pa rin kami” sa ‘closed for renovation.’
Meaning, may inaayos na dating relasyon si Mayor Javi. Na sa palagay ng netizens, ang tinutukoy niya ay ang relasyon nila ni Sue.
“Yehey!! It means my Chance pa sila magkabalikan kay ClOSED for RENOVATION. WAITING SA COMEBACK niyo ni Indhai SUE Mayor Javi. GOBBLESS YOUR ❤️ BOTH ALWAYS.”
“Javi Benitez, gusto kong magkabalikan kayo ni inday sue”
“Javi Benitez comeback na bala yor, kasal na dayun ah para finish ang renovation (Babalik na ba si Javi Benitez, malapit na ang kasal para matapos na ang renovation.”
Kasalan na ni Mayor Javi at Sue na ang gustong mangyari ng mga taga-Victorias City.
In fairness, gusto pala ng mga kababayan ni Mayor Javi si Sue para sa kanya.
Pero teka, paano si Dominic Roque na naka-kissing ni Sue sa litratong nag-viral sa socmed?
Wala lang ‘yun? Lasingan lang? At okey lang kay Mayor Javi? Julie Bonifacio