Manila, Philippines- Foreboding na matatawag ang tagumpay na nakamit ni Kathryn Bernardo.
Sa Asian World Film Festival o AWFF na ginanap just recently sa Los Angeles, California ay hinirang ang Kapamilya actress bilang Snow Leopard Rising Star.
Napili ang isa sa dalawang pangunahing bida ng pelikulang Hello Love Again dahil sa kanyang passion at dedication sa kanyang craft.
Kabilang din dito ang pagmamahal at suportang iginagawad sa kanya ng kanyang mga tagasuporta at manonood.
Sa kanyang acceptance speech ay pinasalamatan niya ang ilang taong naging kaagapay niya.
Ani Kathryn: “Thank you, it’s such an honor representing my fellow Filipinos and my home network ABS-CBN…”
Inisa-isa rin ng aktres ang mahahalagang nilalang na malapit sa kanyang puso.
Patuloy niya: “Thank you so much to the AWFF, my family, my mom who’s here, my friends, my mentors and everyone who has believed in me all throughout this journey…”
Sa bandang huli, Kathryn expressed hope that: “May we all continue to tell stories that will touch people’s lives!”
Masasabing nangangamoy prelude ang victory na ito sa inaasahan pang karangalang matatanggap ni Kathryn, kasama na rin ang kanyang leading man na si Alden sa HLA.
As of this writing kasi ay lagpas na sa P1 billion mark ang kinita ng HLA.
Kinabog na nito ang Rewind nina Dingdong Dantes at Marian Rivera that registered P1B in overall box office gross take.
A box office award for Kathryn as well as Alden is surely in the offing.
Nagtataka lang ang maraming netizens sa award na may “Rising Star” sa pangalan nito.
Ang dating kasi’y parang nagsisimula pa lang daw si Kathryn sa kanyang career.