Home HOME BANNER STORY VMMC nangako ng ‘highest quality’ healthcare kay Zuleika

VMMC nangako ng ‘highest quality’ healthcare kay Zuleika

MANILA, Philippines – Siniguro ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City na patuloy nitong babantayan ang kondisyong pangkalusugan ni Office of the Vice President (OVP) chief of staff Undersecretary Zuleika Lopez, na naka-confine sa ospital mula pa noong Sabado.

Tumanggi namang ibahagi ni VMMC spokesperson Dr. Joan Mae Perez-Rifareal, ang diagnosis kay Lopez dahil sa patient confidentiality at data privacy protocols.

“Siya ay nakakausap, which is very good kasi ito ay nakakatulong para sa medical team, the group of doctors who are taking good care of her, para makakuha ng sapat na background and information para siya ay makakuha ng the best quality of healthcare,” ani Rifareal.

Nang ilipat si Lopez sa VMMC, sinabi ni Rifareal na nanguna ang team ng medical professionals para suriing mabuti ang kalusugan nito.

Kasalukuyang isinasagawa ang routine diagnostic tests at imaging procedures para masiguro ang accurate evaluation ng kondisyon ni Lopez.

“VMMC remains steadfast in its commitment to providing compassionate and patient-centered care to all individuals under its care and we assure the public that Atty. Lopez is receiving the highest quality medical attention as we provide our veterans and retirees,” ayon sa doktor.

“Her condition will be closely monitored and updates will be shared as necessary in accordance to patient confidentiality and privacy protocols.”

Maaalalang naospital si Lopez kasunod ng utos ng Kamara na ilipat siya sa Correctional Institution for Women (CIW).

Inilagay siya sa House detention facility matapos ma-cite in contempt noong Miyerkules dahil sa “undue interference” sa imbestigasyon ng panel kaugnay sa paggamit ng OVP at Department of Education ng confidential funds nito sa ilalim ni Vice President Sara Duterte. RNT/JGC