Home ENTERTAINMENT Jayda, umamin sa TOTGA!

Jayda, umamin sa TOTGA!

Manila, Philippines – Ang latest single ng mahusay na singer na si Jayda Avanzado ay may title na Right Lover, Wrong Time.

Nag-open up ang dalaga  tungkol sa naranasan niyang heartbreak at inamin ang tungkol sa kanyang TOTGA o the one that got away.

Kwento ni Jayda, “The reason why I was able to call this person the right lover, wrong time, because it was the first time na naramdaman ko ‘yun sa isang tao, na I felt secure and felt things were going our way, or going my way, na ito pala ‘yung feeling na ma-value ng isang tao ng ganu’n of that level.

“And ‘yan ‘yung akala ko, na what I thought I had and then obviously, circumstances happen,”  sabi niya.

Kamakailan lang, naglabas siya ng bagong hugot song na may titulong Right Lover, Wrong Time.

Ang Right Lover, Wrong Time, ay mapapakinggan na sa lahat ng digital music plaforms

Hindi kaya ang title ng kantang ito ay patungkol kay Aljon Mendoza na minsan nang na-link kay Jayda?

Samantala, simple lang ang ginawa nina Jayda at ng kanyang mga magulang na sina Jessa Zarragosa at Dingdong Avanzado nu’ng Holy Week.

“My parents and I were Christians, so we took a moment to reflect on the word of God and just spend time with each other as a family since that’s also what it is about,” aniya pa. Rommel Placente

Previous articleBong Go: Gov’t vaccination vs tigdas, pertussis suportahan
Next article#WalangPasok ngayong Lunes, Abril 1, 2024 sa mainit na panahon