Home ENTERTAINMENT JC, pinag-agawan ng dalawang girlet, nag-react!

JC, pinag-agawan ng dalawang girlet, nag-react!

Manila, Philippines- Pinag-agawan ng dalawang hot na bebot si JC de Vera!

Ang isa ay ex niya na umaasang magkakabalikan sila sa muli nilang pagkikita. Ang isa naman ay isang Japanese vlogger, bagong kakilala pero mapapalapit ang loob ni JC.

Ganito ang kanyang naging sitwasyon sa pelikulang Apo Hapon: A Love Story. Ito ay isang Rom-Com at historical film na pinagbibidahan nina JC at ng Japanese actress na si Sakura Akiyoshi.

Ka-love triangle nila rito ang Kapuso actress na si Lianne Valentin.

Isang historian dito si JC bilang si Reyson, na tutulungan si Mozuki (Sakura) na alamin kung isang traydor o bayani ang Japanese great grandfather niya na lumaban sa Pilipinas noong World War II at kalaunan ay nakapangasawa ng Igorota at binansagang Apo Hapon.

Inusisa namin si JC kung ano ang pakiramdam na pinag-agawan siya ng dalawang babae sa pelikulang ito?

Nakangiting wika ng aktor, “Anong pakiramdam ko? Hahaha! Well, maganda ang pagkakasulat ng kuwento.”

Aniya pa, “Nagpapasalamat ako sa opportunity sa mga katrabaho ko rito. Si Sakura she’s very kind, humble and very cooperative, wala kaming naging problema. She really tried her best, ang galing niyang mag-Tagalog. So, nag-enjoy kaming lahat sa shooting nito.”

Ang Apo Hapon ay mula sa GK Productions, sa screenplay ni Eric Ramos at sa pamamahala ng premyadong direktor na si Joel Lamangan.

Nagpasalamat din si JC sa kanilang direktor dito.
Sambit ni JC, “Si Direk Joel, nandito na siya sa industriyang ito for a very long time. Nagpapasalamat kami sa opportunity na ibinigay sa amin na makatrabaho si direk Joel.”

Mapapanood na sa mga sinehan nationwide ang Apo Hapon.

Nasa casts din sina Fumiya Sankai, Jim Pebanco, ang beauty queen/actress na anak ni Allen Dizon na si Nella Dizon, Perla Bautsita, Elora Españo, Marcus Madrigal, Rico Barrera, Yoshiko Hara, Prince Clemente, at iba pa. Nonie Nicasio

Previous article5 pedopilyang dayuhan, hinarang ng BI sa NAIA
Next articleKahalagahan ng integrated coastal management (ICM) iginiit ni Villar