BATAAN, Philippines – Timbog sa mga awtoridad ang 37 anyos na lalaki na isang dating jeepney driver na mas piniling magtulak umano ng iligal na droga at masabat sa suspek ang malaking halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang buybust operation ng pulisya sa Barangay Saguing, Dinalupihan.
Batay sa ulat ni Dinalupihan Municipal Police Station Chief of Police Lt.Col Bjorn John Labos Kay Central Luzon Police Director Brigadier General Jess Mendez.
Kinilala ng pulisya ang naarestong suspek na si alyas alyas “Odey”, 37 anyos na isang high value individual (HVI) na dating jeepney driver at residente sa naturang lugar.
Sa ulat, nabisto umano ang iligal na gawain ng suspek makaraang ituga o itinuturo umano ng mga ilang mga suspek na naunang ng nadakip ng Dinalupihan Police Drug Enforcement Unit (PDEU) na ang suspek ay Isa malaking source shabu sa lugar.
Kaya hindi na nakapalag pa ang suspek ng makorner at arestuhin ng mga awtoridad matapos maaktuhan umanong nagbenta ng shabu sa undercover police.
Narekober sa suspek ang nasa 60 grams ng suspected shabu na may standard drug price ng P408,000, cellphone na gamit sa transaksiyon at ang marked money na ginamit sa buybust.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
Depensa ng suspek, nagawa niyang magtulak na lang ng iligal na droga matapos huminto sa pamamasada jeep dahil sa mahal ng diesel at matumal na kita. Aminado din ang suspek sa gumagamit ng droga. (ROEL TARAYAO)