Home ENTERTAINMENT Jeric, hindi memorize ang pangalan ng 18 anak!

Jeric, hindi memorize ang pangalan ng 18 anak!

178
0

Manila, Philippines- Tila mabibilang lang ang mga ganap nang senior citizens na sharp pa rin ang memory.

Failure to remember names comes with age.

At hindi rito nalalayo si Jeric Raval na sa kabila ng kanyang pagiging malilimutin ay kinaaliwan pa siya ng mga netizens na nakapanood ng kanyang guesting sa Fast Talk With Boy Abunda.

Mismong si Jeric na rin ang buong pagmamalaking nagsabi na labinwalo o 18 lahat ang kanyang mga anak with different women.

Sa “katuwaan test,” hinilingan si Jeric ni Boy Abunda na banggiting lahat ang mga pangalan ng 18 niyang anak.

At kung maaari nga’y from the eldest to the youngest ang order.

Ending: labing-apat o 14 na pangalan lang ang nabanggit ng action star.

Ikinatuwa naman ng mga tao sa studio ang “palusot” ni Jeric: “Senior citizen na kasi ako!”

Let’s face it, despite Jeric’s 60+ age ay hindi siya mukhang sexagenarian.

Mula noong sumikat siya sa bakuran ng OctoArts Films magpahanggang ngayon, taglay pa rin ni Jeric ang kanyang baby face.

Minsan na niyang ibinahagi ang kanyang sikreto to looking young: complete rest at strict diet regimen.

No to fats si Jeric pagdating sa pagkain.

By the way, of his 18 children ay kasama na rito ang anak nila ni Monica Herrera. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here