Home ENTERTAINMENT Jeric, sinagot ang isyung may anak si AJ!

Jeric, sinagot ang isyung may anak si AJ!

Manila, Philippines – If he had his way, nais ni Jeric Raval na magpulis ang anak na si AJ.

Pero ang pumasok naman sa military service ang gusto ng anak.

Nasa acadmic crossroads ngayon kumbaga si AJ makaraang makapagtapos ng high school.

‘Yun din naman daw kasi ang pangarap ng 47 anyos na action star para sa kanyang mga anak.

Gusto nga raw niya para sa mga ito na hangga’t maaari’y huwag na huwag papasukin ang showbiz.

Katwiran ni Jeric, ang edukasyon daw ay napakahalaga dahil hindi ito maaaring nakawin ng ibang tao.

Ganoon na nga ang bilib niya kay AJ if only for her dogged determination to finish her high school studies.

Siyempre, kung si Jeric ang subject ng interview ay hindi maiiwasang ipasagot sa kanya ang walang kamatayang isyu ng pagkakaroon na ni AJ ng anak.

Obyus na ang tinutukoy ay ang anak ng sexy actress sa nobyong si Aljur Abrenica.

Ani Jeric: “Labindalawang lahat ang apo ko. Siyempre, pag nasa bahay, kinakarga sila ni AJ, pero wala siyang anak ni isa man doon!”

Ano’ng maipapayo ni Jeric sa anak na ayaw pa ring tantanan ng paulit-ulit na taong?

Pabirong sagot ni Jeric: “Lagi kong sinasabi sa kanya, ‘Anak, hayaan mo lang ‘yan. Sisikat ka!'”

Take it from the father! Ronnie Carrasco III