Home ENTERTAINMENT Jessy, aminadong napapraning kay Baby Peanut!

Jessy, aminadong napapraning kay Baby Peanut!

Manila, Philippines- Sa pamamagitan ng isang bagong vlog sa kanyang YouTube channel na may titulong Spend The Day With Me, Realistic Mommy Duties, nagbigay ng update si Jessy Mendiola tungkol sa pagiging parents nila ng mister na si Luis Manzano sa panganay nilang si Rosie o Baby Peanut.

“Matagal-tagal ko nang hindi nagagawa ang vlog na ‘to. Finally nagkaroon ako ng energy na gawin ito. Hahahaha! Spend a day with me para naman ma-update kayo kung ano ‘yung mga kaganapan dito sa sa bahay and kay Rosie of course. Siyempre, ayan ‘yung magkakape tayo sa umaga para may energy,” ang simulang pagbabahagi ni Jessy.

“Mamaya makikita n’yo si Rosie. Natutulog lang siya ulit ngayon. Kakagising ko lang din ngayon.

“Kahapon nag-vaccine si Rosie so nag-monitor ako from midnight to 3 a.m. to 6 a.m. Paputol-putol yung tulog ko kasi tsini-check ko yung temperature niya. Okay naman.

“Wala namang problems, wala namang kahit ano. As a praning mom. Char! Hahahahaha!

“Siyempre first time ko magkaroon ng baby. First time lahat. Mabilis lang akong kabahan,” sey pa ng aktres.

Sa isang bahagi ng vlog, nasabi rin ni Jessy kung gaano siya ka-thankful sa kanyang asawang si Luis, “Nakakakaba pag first-time mom ka talaga.

“Pero at the same time nakakatuwa kasi ang dami mong nadi-discover about your baby and of course about yourself. Na kaya ko pala yun, hindi ko akalain na kaya ko pala mag-alaga ng baby mag-isa.

“And of course si Haw-Haw (Luis) palagi niya akong tinutulungan kahit siya rin clueless kung ano yung dapat gawin. Kasi siyempre first time dad din siya. Kahit busy yan sa work, palagi rin yan tutok sa amin ni Rosie,” sabi pa ni Jessy. Rommel Placente