Home ENTERTAINMENT Jinkee, magiging lola na!

Jinkee, magiging lola na!

280
0

California, USA – Isa nang ganap na lola si Jinkee Pacquiao!

Sa kanyang Instagram, nag-post ang maybahay ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao ng throwback photo na nakasuot siya ng wedding gown.

Karga-karga niya ang noo’y sanggol pa lang na si Jimuel, ang panganay nilang anak.

Jinkee reflected on motherhood alongside the swift passage of time.

Post niya: “The day I became mother, my world changed instantly.

“It marked the start of a new version of myself–one that is tender, tired and transformed.”

Isiniwalat ni Jinkee na sa susunod na buwan ay isa na siyang lola: “Time flies so fast na ikaw ang karga-karga ko noon, sa isang buwan apo ko naman ang kakargahin ko!”

Ang sumunod na post ni Jinkee ay hinaluan na niya ng Visayan dialect ending it with a heart full of gratitude: “Grateful to God. God is good all the time!”

Nitong nakaraang July, nagkaroon ng dinner ang Pacquiao family kasama ang partido ng nobya ni Jimuel.

Sa Instagram, ibinahagi ni Jinkee ang ilang snapshots kuha sa dinner na ginanap sa Los Angeles, California.

She wrote: “Tonight deserves something special. Family dinnertime. Cherishing family moments.”

Idinaos ang dinner na ‘yon matapos ang laban ni Pacman kay Mario Barrios sa Las Vegas, Nevada.

Samantala, isang buwan bago rito–June nang maispatan si Jimuel na ka-holding hands ang nobya habang uma-attend ng misa sa Los Angeles.

Kasalukuyang nasa US si Jimuel in pursuit of boxing.

Maaalalang July 16 noong mag-post si Jinkee tungkol sa reunion ng kanyang pamilya makaraan ng apat na taon. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here