Home ENTERTAINMENT JM, nasa Singko na!

JM, nasa Singko na!

167
0

Manila, Philippines – Time and again, nagpupuntahan na sa TV5 ang mga malalaking artista ng ibang malalakibg netowork.

This time, nasa TV5 na rin si JM de Guzman via My Bespren Eman, ang first ever teleserye niya sa nasabing network.

Makakasama dito ni JM ang powerhouse cast na kinabibilangan nina Shaina Magdayao, Sid Lucero, at Ai-ai delas Alas.

Ito ay isang inspirational drama na kwento ni Mateo (JM) na nagnanais na maitama ang pagkakamali ng kanyang nakaraan para maisaayos ang buhay kapiing ang kanyang childhood best friend na si Ruth (Shaina Magdayao).

Sa pamamagitan ng isang aksidente, makikilala ni Mikoy ang aagapay at gagabay sa kanya patungo sa kanyang pagbabagong-buhay – si Emman.

Ang My Bespren Emman ay co-produced ng Numinous Narratives at Spring Films, sa direksyon ni Derick Cabrido at Jerome Pobocan.

Mapapanood ito sa Primetime Pasiklab ng TV5 tuwing 8:45 PM, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng A Secret in Prague. JP Ignacio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here