Home NATIONWIDE Job Fair sa mga kababaihan, hatid ng DMW

Job Fair sa mga kababaihan, hatid ng DMW

174
0

MANILA, Philippines – Nagsagawa ang Department of Migrant Workers ng job fair para sa kababaihan nitong Biyernes sa Quezon City, na may trabaho sa healthcare, hospitality, construction, manufacturing, at skilled trades.

Ayon kay DMW Undersecretary Bernard Olalia, layunin ng “Mega Job Fair Para sa Kababaihan” na protektahan ang mga babae laban sa illegal recruiters at scammers.

“Bilang pagkilala sa inyong paniniwala, kakayahan at paninindigan, isang special job fair ang inaalay namin sa inyo upang kayo ay tulungan at bigyan ng tamang direksyon sa paghahanap ng trabaho abroad. Hindi lang basta trabaho, but decent job opportunities because we want you to get the best jobs, fully protected and empowered,” ani Olalia.

Sa event, 10 licensed recruitment agencies at 2 manning agencies ang nag-alok ng humigit-kumulang 2,500 job orders papunta sa Asia Pacific, Middle East, Americas, at Europe. May pre-employment orientation at anti-illegal recruitment briefings din.

Kasama rin sa job fair ang ilang ahensya ng gobyerno tulad ng SSS, Pag-IBIG Fund, TESDA, DFA, PhilHealth, NBI, Quezon City PESO, at mga opisina ng DMW para sa employment at dokumentasyon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here