Home ENTERTAINMENT Suntay, nakakuha ng kakampi kay Wency!

Suntay, nakakuha ng kakampi kay Wency!

171
0

Manila, Philippines – Hindi napigilan ng singer na si Wency Cornejo na magpakawala ng opinyon tungkol sa pahayag ni Quezon City Rep. Bong Suntay patungkol kay Anne Curtis.

Si Wency ay anak ni Mel Tiangco.

Suntay’s controversial statement stemmed from a hearing kung saan “nag-init” daw ang desire niya sa katawan nang makita ang ganda ng TV host-actress sa Shangri-La.

Eto naman ang take ni Wency batay sa kanyang Facebook post.

“Jusmio! Not that I’m saying hindi mali ang ginawa ni Suntay, mali talaga ‘yon. Pero lahat naman tayo, nagpapantasya about sex!”

Parang mga anay daw sa kahoy nang biglang lumabas ang mga ipokrito.

Kumbaga, real talk lang ang punto de vista ni Wency.

Hirit pa niya: “”Yung pari nga, nahuli pang mahilig sa porn pero wala lang. Bida-bida pa rin siya. Di ba, dapat ma-excommunicate na ‘yon or mapatawan man lang ng some sort of kaparusahan? Wala daw double standards, pwe!”

Tinawag ni Anne na “vulgar, sexualized analogy” ang tinuran ng mambabatas.

Dahil dito’y ni-reject ng TV host-actress ang non-apology nito. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here