Home ENTERTAINMENT Joey, binigyan ng blank check si Jose!

Joey, binigyan ng blank check si Jose!

Manila, Philippines – In full force nga ang Dabarkads sa araw ng kasal nina Jose Manalo, 58 at Mergene Maranan, 37 na ginanap sa Boracay.

However, rains marred the reception that followed the beach wedding kung kaya’t idinaos na lang ito sa hotel doon.

Gayunpaman, mainit na ipinadama ng TVJ-led Dabarkads ang kanilang suporta’t pagmamahal sa mga newlyweds.

Hindi na rin kasi ibang tao si Mergene na dating miyembro ng inilunsad na EB Babes sa Eat Bulaga.

Meron nang dalawang anak sina Jose at Mergene, one of them is an adopted side on the bride’s side na hindi kadugo pero malapit sa kanya.

Ang maganda kay Jose, kahit sikat na siya ay napapanatili niyang pribado ang kanyang buhay.

Malayo nga naman sa anino ng mga intriga sa showbiz.

Dahil masasabing A-lister ang groom, siyempre’y inaasahang kung gaano ka-bigtime ang kanilang wedding guests ay ganoon din ka-bongga ang mga regalo ng mga ito.

Save for the others whose gifts remain unknown, tanging ang kay Joey de Leon lang ang nabisto.

Nang magkita na kasi sina Jose at Joey sa Boracay ay tinanong ng Master Henyo ang groom: “Ano ba’ng ilalagay ko–Jose o Ariel?”

“Ariel!” sagot ni Jose whose full name is Ariel Jose Manalo.

Kailangan pa ba naming sabihing blank check lang naman ang regalo ni Joey?

Bahala na si Jose kung magkano ang ilalagay niya! Ronnie Carrasco III