Home ENTERTAINMENT Joey, tinawag na ‘tesbun’ si Pauleen!

Joey, tinawag na ‘tesbun’ si Pauleen!

Manila, Philippines – Naging emosyonal ang iconic trio na Tito at Vic Sotto and Joey de Leon sa unang araw ng kanilang show bilang DaBarkads sa bago nilang tahanan sa TV5.

Habang naglalakad sa hallway, naiyak sila sa kanilang pagrampa bago pa sila dumeretso sa studio.

Hindi nila na-retain ang titulo ng dating show sa TAPE, Inc. bagama’t nakuha nila ang acronym na E.A.T. na siyang bagong name ng noontime show na puwedeng mangahulugan na Eto Ang Totoo, Tropa o Trio.

Na-retain naman nila ang kanilang dating jingle bagama’t na-drop na ang salitang Bulaga sa bago nitong bersyon.

Naging family affair naman ang show dahil sinuportahan ang iconic trio ng kanilang mga asawa’t mga anak.

Present doon sina Helen Gamboa, Eileen Macapagal at Pauleen Luna.

In attendance din sina Kristine Hermosa, Ciara Sotto, Oyo Sotto, Jako de Leon, Pasig City Mayor Vico Sotto, Gian Sotto at iba pa nilang mga kaibigan at mga kaanak.

Siyempre, nandoon din ang original Dabarkads na sina Jose Manalo, Paolo Ballesteros, Wally Bayola, Maine Mendoza, Ryan Agoncillo, Allan K Ryza Mae Dizon at Carren Eistrup.

Speaking of Joey, inurot naman ng comic genius si Pauleen Luna na nagdadalantao nang tawagin nitong tesbun ang esmi ni Bossing. Archie Liao