Home ENTERTAINMENT John, nag-volunteer sa ‘sunog’!

John, nag-volunteer sa ‘sunog’!

Manila, Philippines- Himself having experienced a fire incident ay nagsilbi itong inspirasyon sa award-winning actor na si John Arcilla.

Pumasok na nga ang buwan ng Marso, ang Fire Prevention Month.

Dahil dito’y pinaiigting ng ating pamahalaan ang mga paraan para makaiwas sa sunog.

Isa nga si John sa mga aware dito.

Kaya naman ayon sa Bureau of Fire Protection ay nagkusa si John na magsilbing Fire Safety Ambassador.

Bale ba, may proyekto rin si John na pumapaksa sa sunog.

Adbokasiya ngang matatawag ang pagsusulong ni John ng mga gawain para masugpo ang sunog lalo na sa panahon ngayon.

Mulat ang kaisipan ng aktor sa kasabihang mas mainam nang manawakan nang ilang beses kesa ang masunugan.

Keep that fire of enthusiasm burning, John! Ronnie Carrasco III