Manila, Philippines – Binasag na ni John Estrada ang kanyang katahimikan hinggil sa viral video na kumalat sa Facebook nitong November 1.
Makikita kasing may kaakbay siyang foreigner na babae habang papasok sila sa isang bar.
Sa isang bahagi ng video ay makikitang nasa loob na sila ng bar.
While seated, nagkukuwentuhan sila’t nagtatawanan.
Immediately, tinangka ng PEP na hingan ng reaksyon ang aktor through direct messaging.
Nagpaunlak naman ito, pero maikli lang ang kanyang naging tugon.
Ani John: “Once and for all, I will have to say this…l have every right to befriend whoever I want to be friends with!”
Dagdag niya, magkaiba nga lang daw ang dating ng ganoong balita sa dahilang isa siyang public figure.
Napapanood si John sa panggabing primetime series na Batang Quiapo na gumaganap bilang Rigor.
Ang inaasahan kasing reaksyon mula kay John ay kung ano ang posibleng komento ng kanyang estranged wife, ang Brazilian beauty na si Priscilla Mereilles.
July ng kasakukuyang taon nang ipahayag ni John that he and Priscilla were taking a break from their marriage.
Hindi na rin nabanggit sa ulat ng PEP ang nationality ng foreigner na babaeng kaakbay ni John o anupamang pagkakakilanlan nito. Ronnie Carrasco III