Home NATIONWIDE OVP officials ‘di sumipot sa House budget use probe

OVP officials ‘di sumipot sa House budget use probe

MANILA, Philippines- Hindi muli dumalo ang pitong opisyal mula sa Office of the Vice President (OVP) nitong Martes sa nagpapatuloy na imbestigasyon ng House good government and public accountability budget utilization ng ahensya.

Sa isang position paper, hiniling nina OVP chief of staff Zuleika Lopez, Lemuel Ortonio, Atty. Rosalynne Sanchez, Julieta Villadelrey, Gina Acosta, Atty. Sunshine Fajarda, at Edward Fajarda sa House panel na wakasan na ang imbestigasyon sa isyung ito.

“All things considered, we reiterate our previous position in the case of Calida v. Trillanes that ‘persons invited to appear before a legislative inquiry do so as resource persons and not as accused in a criminal proceeding. Thus, they should be accorded respect and courtesy since they were under no compulsion to accept the invitation extended before them, yet they did so anyway. Their accommodation of a request should not in any way be repaid with insinuations,'” saad sa position paper.

“We are guided by this ruling of the Supreme Court in that invitations from the Committee may be declined, and that we have the right to respectfully refuse to participate in the proceedings,” anito pa.

Binanggit din ng mga opisyal na ang House probe invitations ay ipinadala ng holiday noong Nov. 1, at nabasa lamang umano nito ito nitong Nov. 4, isang araw bago ang pagdinig.

Pinadalhan ang pitong opisyal ng subpoena ad testificandum na ipinalabas ng House good government and public accountability committee noong Oct. 17, dahil sa hindi pagdalo sa imbestigasyon kung paano ginamit ng kanilang opisina ang budget, kabilang confidential funds.

Nauna nang hiniling ng panel chairperson na si Joel Chua sa Department of Justice (DOJ) na magpalabas ng Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) laban sa kanila.

Alinsunod sa payo ng OVP Legal Affairs, sinabi ng mga opisyal na ang subpoena ay “tinanggihan” dahil nakasaad sa dokumento na ipinalabas ito para sa Oct. 28, 2024 hearing schedule, na ipinagpaliban.

“Please bear in mind that the scheduled hearing date of October 28, 2024 was reset until further notice in an earlier notice given to us,” giit ng mga opisyal.

“Given these circumstances, the Subpoena can no longer be legally served nor obeyed,” patuloy nila.

Gayundin, binigyang-diin ng OVP officials na ang subject matter ng House deliberation ay hindi “in aid of legislation” at “violative of the rights of resource persons.”

Anila pa, ang House committee on appropriations ang may hurisdiksyon sa mga isyung inilatag.

Sa hiwalay na position paper, iginiit din ito ng iba pang tauhan ng OVP, binigyang-diin ang kanilang karapatang tanggihan ang imbitasyon.

Nilagdaan ito nina OVP director for operations Norman Baloro, Winnie Dayego, Kelvin Teñido, Zuhairah Abas, Jeizel Cone Asia, Rolmar Basalan, Maria Laiza Pamittan-Frogoso, Atty. Ma. Constancia Lim, Chris Sorongon, Michael Saavedra, Maximo Alexis Tan, Alan Tanjuakio, at Regina Tecson.

Samantala, inihirit ni Ma. Edelyn Rabago na hindi na siya makilahok sa hearing, sinabing natapos ang kanyang serbisyo bilang officer-in-charge ng Budget Division ng OVP noong Sept. 30, 2024.

Nauna nang inihayag ni Vice President Sara Duterte na hindi mali ang naging paggamit ng kanyang opisina sa budget nito sa gitna ng Commission on Audit (COA) records na nagpapakitang ginastos ng OVP ang P125 milyong confidential funds sa loob lamang ng 11 araw noong 2022. RNT/SA