Home ENTERTAINMENT Jolina at Marvin, nag-reunite sa TV5!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Jolina at Marvin, nag-reunite sa TV5!August 7, 2026 12:1270 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Kasado na ang three seasons para sa muling pagsasama nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin sa isang daily show sa TV5.Last week pa lumutang na may reunion project ang dating loveteam.Bale, si direk Roman Perez Jr. ang mangangasiwa nito—which means, pahinga muna siya sa paggawa ng mga mapangahas na pelikula sa VMX (Vivamax).Tuloy na nga ang daily show na “Agustin” to pilot on August 10—bago magsimula ang Ghost Month.It will air before Eat Bulaga.Kasama rin sa cast sina Dominic Ochoa at mga Star Work talents.Inaasahang manunumbalik ang magic ng Jolina-Marvin loveteam.Matatandaang sinubukan nila itong ibalik via their film Ex Ex Lovers, pero hindi ito gaanong tinanggap.Expected na hahatakin sila ng mga baguhang artistang hawak ni Mr. M—kaya?Well, let’s see. Ronnie Carrasco III