MANILA, Philippines – Nag-aalok ang Cebu Pacific ng one-way base fare na aabot sa ₱8 sa ilalim ng 8.8 seat sale nito sa Agosto 8, 2026.
Hindi pa kasama sa promo fare ang fees at surcharges, ayon sa budget airline.
Kabilang sa mga lokal na destinasyong sakop ng sale ang Cebu, Iloilo at Laoag. Maaari ring makakuha ng murang biyahe patungong Da Nang sa Vietnam, Macao sa China at Taipei sa Taiwan.
Ang travel period para sa domestic flights ay mula Enero 1 hanggang Hunyo 30, 2027, habang Enero 1 hanggang Marso 2027 naman para sa international flights. RNT