Manila, Philippines – Kahit pala pumasok noon sa PBB House si Joshua Garcia, hindi niya inakala na papasok siya sa showbiz.
Sa panayam kay Joshua ni Maricel Soriano, tinanong siya kung pinangarap ba talaga niyang maging artista. Ang sagot niya: hindi.
“After nung PBB ko, hindi ko pa alam kung mag-a-acting ba ako. Nai-enjoy ko na yung ASAP. Parang okey na ako run. Pero hindi enough,” sabi niya.
Pagpapatuloy niya, “Taga-Batangas kasi ako. And then lumipat ako ng Maynila kasi nandito yung work ko. E, ang hirap—ang dami kong binabayaran. Of course, yung tinitirhan ko, yung pagkain ko, and then yung service. Of course, di enough.
“And then nakukuha ako sa mga projects nu’n, pero natatanggal din ako. Parang from lead role, gagawin nila akong third wheel. Hanggang sa eventually, matatanggal na ko. So kulang. Sabi ko, kulang ako sa experience.
“Ang ginawa ko, nag-workshop ako. Pagkatapos ng workshop ko, ang pinakamlaking role na natanggap ko, ‘yung Barcelona (pelikulang pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla). And then nabigyan na ako ng lead roles. Hanggang unti-unti, minamahal ko na yung craft ko, minahal ko na yung akting.”
Dahil dito, ipinagpatuloy ni Joshua ang pag-aartista. At isa na nga siya sa pinakasikat na aktor ngayon.