Home ENTERTAINMENT Joshua, ini-stalk ng female fan, pinag-iingat!

Joshua, ini-stalk ng female fan, pinag-iingat!

219
0

Manila, Philippines – Ibayong pag-lingat ang nagkakaisang payo ng mga netizens kay Joshua Garcia in the wake of reports na may isang female fan daw na obsessed na obsessed sa kanya.

Unsolicited advice nga nila sa aktor, maging cautious lalo’t maraming posibleng gawin daw sa kanya ang stalker-fan.

Hindi pa man nga ay umabot na sa likely scenario ang maaaring gawin ng taney.

The worst case of which ay ike-claim nitong nadisgrasya siya ni Joshua.

Kung kailan at paano ay ang fan lang siyempre ang nakakaalam.

Lalo’t ganoon na daw ka-obsessed ito kay Joshua, she has the capacity to make up stories.

Isa lang naman ang kahihinatnan nito, as the fan’s motive is to destroy Joshua’s image whatever it takes.

Pinag-iingat nga rin ang aktor never to be too cozy with his female co-stars.

Ang sa mga netizens lang, iniiwas nilang masira ang career ni Joshua lalo pa’t he has done too much to nurture it.

Nakuha na nga raw kumawala ni Joshua sa anino ni John Lloyd Cruz na sinasabing older version niya.

Sayang naman daw if all of Joshua’s efforts will be in vain. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here