Home ENTERTAINMENT Vilma, kinumpara sa ibon!

Vilma, kinumpara sa ibon!

216
0

Manila, Philippines – Hindi maituturing ng aktres-pulitiko na si Vilma Santos na flattering ang pagkukumpara sa kanya sa isang ibon na nakadapo sa sanga ng isang puno.

All over social media ang ginawang comparison ng isang netizen kay Batangas Governor Recto sa isang ibon “perched on a tree trunk.”

Dahil nga nakadapo siya sa itaas, nakatingin siya sa mga kapwa ibong nasa mas mababang sanga ng puno–habang “dumudumi” whose droppings fall upon the other avian creatures.

But just when you think that Vilma as the bird perched on a higher tree trunk is a lot more privileged ay nagkakamali siya mismo ng akala.

Pag tumingala nga naman ang ibang mga ibong nakadapo sa mas mababa ang sanga ay isa lang ang makikita nila–asshole!

Ang social media meme na ito ay resulta lang ng kontrobersyal na pahayag ni Vilma tungkol sa kanyang mga bashers–isama na din ang mga bashers ng kanyang asawang si Ralph Recto.

Lumikha nga ng ingay ang sinabi ng aktres na kaya raw tinitira sila’y nasa itaas sila samantalang nasa ibaba ang mga bashers.

Nilinaw na mismo ng Public Information Office ng kapitolyo ng Batangas na “spliced o edited” ang pahayag na ‘yon ng goberadora.

Hindi daw intensyon ni Vilma na mang-insulto ng mga taong nasa mababang lebel.

Bagkus ay para daw ‘yon sa mga nagkakakat ng fake news o disinformation.

Pero anuman ang paliwanag ng kampo ni Vilma’y minarkahan na siya ng publiko–even calling her all sorts of names.

Sabi nga ng karamihan, kung nagkataong nangyari ito sa panahong nangangampanya sila ng mga anak na sina Luis Manzano at

Ryan Christian Recto, tiyak na talo silang tatlo sa eleksyon!

Kasi naman… Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here