Home ENTERTAINMENT Vice Ganda, nagpasaring sa Viva films!

Vice Ganda, nagpasaring sa Viva films!

247
0

Manila, Philippines – Inaabangan ng madlang pipol kung paano makakabawi ang Viva Films kay Vice Ganda.

Hindi kasi napigilan ng Unkaboggable Star na pasaringan ang nasabing film company sa pandededma nito sa tinamong tagumpay ng MMFF entry nitong Call Me Mother.

Ang Viva ay co-producer ng highest grossing festival entry ng nakaraang taon, besting seven other films.

Viral nga ngayon sa X (dating Twitter) ang ginawang pagpaparinig ni Vice Ganda sa It’s Showtime laban sa kumpanya ni Boss Vic del Rosario.

Hindi man lang daw nakuhang magpadala ng bulaklak ang Viva Films to express its appreciation toward the lead star.

Ang matindi ay ang pasada ni Vice Ganda na “kumukubra na lang” ang Viva–meaning, humahamig na lang daw ito.

Sumang-ayon naman ang mga netizens sa tinuran nito–gasino na lang daw ba ang pa-bouquet of flowers man lang?

Take note, hindi bonus ang hinihingi ni Vice Ganda kundi bulaklak at the very least!

Meron din namang tila naasiwa sa ginawang pag-call out ng TV host-comedian sa Viva–admonishing him to just keep his feet on the ground.

Any reaction, Viva peeps? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here