Home HOME BANNER STORY Judge at clerk of court ng Pasay suspendido sa ‘₱6M suhol’

Judge at clerk of court ng Pasay suspendido sa ‘₱6M suhol’

MANILA, Philippines – Pinatawan ng Supreme Court ng preventive suspension ang judge at acting branch clerk of court na sangkot sa pagtangap umano ng ₱6 milyon na panunuhol.

Sa Supreme Court En Banc resolution, sinimulan na rin ang administrative proceedings laban kay Pasay RTC Judge Alberto T. Cansino at Officer-in-Charge/Acting Branch Clerk of Court Mariejoy P. Lagman na kapwa tumangap umano ng P6,000,000 mula sa isang litigant kapalit ng paborableng desisyon sa isang civil case.

Isinailalim ang dalawa sa 90-days preventive suspension upang walang harang na maisagawa ng Judicial Integrity Board (JIB) ang formal investigation.

Si Lagman ay naaresto sa isinagawang entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI).

Sa isinumiteng ulat ni Court Administrator Raul B. Villanueva, nakatangap ang JIB ng anonymous complaint sa pamamagitan ng via email. Ipinasa ito sa NBI kung kaya isinagawa ang entrapment operation.

Bukod sa boodle money, narekober din sa operasyon ang kopya ng Order sa civil case na may lagda ng Judge. Teresa Tavares