Home NATIONWIDE Judge na nabuking humihingi ng suhol sinibak ng SC

Judge na nabuking humihingi ng suhol sinibak ng SC

MANILA, Philippines – Sinibak sa serbisyo ng Supreme Court ang isang judge na direktang nanghihingi ng suhol sa mga abugado, mga pwrtido sa kaso at maging sa mga halal na opisyal kapalit ng paborableng desisyun sa kaso.

Ipinataw ng SC En Banc ang pinakamabigat na parusa laban kay Judge Edralin C. Reyes, Presiding Judge ng Branch 43, Regional Trial Court (RTC) of Roxas City, Oriental Mindoro matapos mapatunayang guilty sa kasong Gross Misconduct.

Iniutos rin ng Korte na mabawi ang kanyang retirement benefits at pinagbawalan na makapagtrabaho muli sa anumang sangay ng pamahalaan kabilang ang mga government-owned and controlled corporations.

Nabisto ang iligal na gawain ni Reyes matapos ibalik ang dati nitong laptop sa Management Information Systems Office (MISO) ng Supreme Court para mapagawa o mapalitan.

Bilang bahagi ng standard procedure, sinuri ng MISO laptop at nakita ang backup ng iPhone messages na puno ng pag-uusap ng katiwalian.

Agad iniulat ng MISO sa Office of the Court Administrator (OCA) ang nadiskubre at sa imbestigasyon ng OCA Team nalaman na ilang abugado at indibidual ang hiningan ni Reyes ng suhol partikular ang paghingi ng “pabaon” o pocket money, kotse at mga baril kapalit ng paborableng desisyun sa kaso.

Sa kanyang komento, iginiit ni Reyes na labag sa kanyang constitutional right to privacy of correspondence ang pagbulatlat sa mga mensahe. Peke din umano ang narekober na mga mensahe.

Gayunman iginiit ng SC na ang mga government-issued computer ay isinasailalim sa
monitoring ng government employer kaya walang nalabag na karapatan ni Reyes.

“Further, even if the Court considered the MISO and OCA’s retrieval of the iPhone messages as violation of Judge Reyes’s right to privacy, this Court finds that the information obtained by the judicial audit team should be treated as an exception, as it is an inevitable discovery.” Teresa Tavares

Previous articlePremature campaigning sa 2025 poll ikakasa ng Comelec
Next articleIligal na pagbenta ng NFA rice stocks iimbestigahan ng Kamara