Home NATIONWIDE Iligal na pagbenta ng NFA rice stocks iimbestigahan ng Kamara

Iligal na pagbenta ng NFA rice stocks iimbestigahan ng Kamara

MANILA, Philippines – Gugulong na sa Huwebes, Marso 7, ang gagawing imbestigasyon ng House Committee on Agriculture and Food kaugnay sa illegal na pagbebenta ng rice stocks ng National Food Authority (NFA) sa ilang rice traders.

Ang gagawing imbestigasyon ng komite ay base sa House Resolution 1611 na inihain nina Quezon Rep Mark Enverga at ABONO party-list Rep Robert Raymund Estrella.

Sa nasabing resolusyon ibinunyag ng dalawang mambabatas na nasa 75,000 sako ng lumang bigas ang ibinenta ng NFA sa mga rice traders subalit kalaunan lumitaw na ang binentang bigas ay hindi luma bagkus ay mga bago pa.

Hindi rin umano nagkaroon ng bidding sa naging bentahan ng nasabing bigas.

Ang isa pa sa nakalulungkot umano ay ang mga nasabing bigas ay binenta pa ng mga rice traders sa mas mahal na halaga matapos itong ire-bagged.

Layon ng gagawing imbestigasyon na tukuyin ang mga nasa likod ng insidente at rebyuhin ang polisiyang ipinatutupad ng NFA. Gail Mendoza

Previous articleJudge na nabuking humihingi ng suhol sinibak ng SC
Next articleLibreng Mammo at Ultrasound sa kababaihan hirit ng solon