Home NATIONWIDE Judicial relief ‘di ipagkakaloob sa mga pugante – SC

Judicial relief ‘di ipagkakaloob sa mga pugante – SC

250
0
Supreme Court

MANILA, Philippines – Nilinaw ng Korte Suprema na ang mga indibidwal na pugante mula sa hustisya ay hindi maaaring humingi ng judicial relief.

Ang desisyon ay ginawa sa isang kaso na kinasasangkutan ng Vallacar Transit, Inc. at Nixon Banibane laban kay Ricardo Yanson, Jr., na may kasong grave coercion.

Ipinaliwnag ng SC na ang isang tao ay dapat sumailalim sa hurisdikasyon ng korte upang magamit ang mga proseso nito, na hindi posible kung ang akusado ay nasa labas ng teritoryal na hurisdikasyon ng bansa.

Ang petisyon ay lumitaw matapos hindi maisilbi ang warrant laban kay Yanson  dahil umalis na siya ng Pilipinas.

Pinahintulutan ni Yanson ang mga abogado na sina Sigfrid Fortun at Sheila Sison na kumatawan sa kanya sa Municipal Trial Court sa mga Lungsod ng Bacolod City.

Kinuweatyon ni Yanson ang  arrest order ng MTCC sa Regional Trial Court na tinutulan ng VTI dahil si Ricardo ay isang pugante  mula sa batas na ibig sabihin ay wala siya at ang kanyang abogado na tatayo sa harap ng korte.

Pinasyahan ng RTC pabor kay Yanson na nag-udyok kina VTI at Banibane na dalhin ang kaso sa Kataas-taasang Hukuman.

“In reversing the RTC, the SC held that Ricardo should not be allowed to continue seeking affirmative relief from the courts because he left the Philippines and showed an intent to evade arrest and criminal prosecution,” sabi ng Korte Suprema.

Kung may kabiguan na isagawa ang arrest warrant,  nawawala ang standing ng tao sa korte at hindi makakapag-participate sa mga proceedings at hindi makahihingi ng judicial relief.

“They can only restore their standing before the court through voluntary surrender,” dagdag pa ng Korte Suprema. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here