Manila, Philippines — Kilala si Ogie Diaz bilang isang “scoopero” pagdating sa mga showbiz breakups, at sa kanyang pinakahuling vlog sa Showbiz Updates, tinalakay niya ang usapin tungkol sa paghihiwalay nina Julia Barretto at Gerald Anderson.
Bilang isang aktibong reporter, nagsaliksik si Ogie sa pamamagitan ng pagtanong-tanong sa kanyang mga kakilala na may alam sa relasyon nina Julia at Gerald.
Nang tanungin niya ang kanyang source kung totoo nga bang nagkahiwalay na sila, agad itong tinugon ng:
“Huwag kang maniwala… sila pa rin!”
Kadalasang basehan ng mga netizens ang social media posts ng mga showbiz couples para mahinuha kung may problema sila. Kapag walang bagong posts, palagay nila ay may hidwaan.
Sa kaso ni Julia, napansin na huling nag-post si Gerald noong kaarawan niya, at burado na rin sa Instagram ni Julia ang mga litrato ni Gerald.
Ngunit, mismong handler ni Julia ang nagkumpirmang “intact” pa rin daw ang lahat ng mga larawan ni Gerald sa Instagram ni Julia, na nagpapakita na hindi totoo ang mga tsismis.
Patunay lang ito na may mga pekeng balita tungkol sa kanila, at nananatili silang hindi naapektuhan ng mga ito.
Gayunpaman, mas magiging kapani-paniwala ang sagot kung manggagaling mismo kay Julia o Gerald. Ronnie Carrasco III