Home NATIONWIDE Kahinahunan, hiling ng Apostolic Vicariate of Southern Arabia sa mga OFW

Kahinahunan, hiling ng Apostolic Vicariate of Southern Arabia sa mga OFW

158
0

ABU DHABI, UAE – Nanawagan ang isang Obispo sa mga mananampalataya na manatiling mahinahon at magkaisa sa panalangin sa gitna ng umiigting na sitwasyon sa Middle East.

Sa kanyang mensahe, iginiit ni Bishop Paolo Martinelli, OFM Cap., ang Apostolic Vicar ng Apostolic Vicariate  Southern Arabia  ang kahalagahan ng kapanatagan at pagsunod sa mga umiiral na alituntunin ng pamahalaan para sa kaligtasan ng bawat mamamayan.

Binigyang-diin ng obispo na higit kailanman ay kinakailangan ang pagkakaisa ng mga mananampalataya sa pananalangin para sa kapayapaan.

Hinikayat ni Bishop Martinelli ang mananampalataya na idulog sa Mahal na Birheng Maria sa pamamagitan ng santo rosaryo ang pag-iral ng pagkakasundo tungo sa mapayapang lipunan.

Inimbitahan din ng Obispo ang lahat na magrosaryo araw-araw para sa kapayapaan at pagkakaisa.

Inatasan din ng obispo ang lahat ng parokya na isama sa pagdiriwang ng Banal na Misa ang panalangin para sa kapayapaan at kaligtasan ng mga mamamayan sa rehiyon.

“During all Holy Masses, let us pray for peace and security of all people in this region,” ani pa ng Apostolic Vicar.

Ipinagkatiwala ni Bishop Martinelli sa Panginoon ang kaligtasan ng bawat pamilya at hiniling ang paggabay ng Mahal na Birhen at ng mga banal para sa pagkakaloob ng tunay at pangmatagalang kapayapaan.

Patuloy namang nananawagan ang Simbahan sa mga mananampalataya na maging instrumento ng pagkakaisa, pananalig at pag-asa sa harap ng mga hamon at kaguluhan sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here