Home METRO Bulakenyang OFW sa Kuwait, nagbahagi ng karanasan sa nangyayaring tensyon sa MidEast

Bulakenyang OFW sa Kuwait, nagbahagi ng karanasan sa nangyayaring tensyon sa MidEast

149
0

KUWAIT – “Pinauulanan na naman kami ng missile!”

Ito ang takot nakasaad na mensahe sa Facebook post ng isang OFW na si “Len” nasa hustong gulang, lumaki sa Brgy. Matungao, Bulakan, Bulacan at kasalukuyang naninirahan sa Al Fintas, Kuwait.

Ayon kay Len, bandang 4:05 ng umaga nitong Marso 6 ang huling naitalang pagsabog na yumanig sa Al Fintas.

Aniya, inakala ng maraming OFW na naroroon na titigil na ang mga pagsabog subalit nagpahinga lang pala ang pagbagsak at pagsabog ng mga missile.

Sa puntong ito, bukod sa naka-impake na sila ay lagi umano silang nakamonitor sa mga advisory ng mga awtoridad na nagsasabing maging alerto at maging handa sa mga posibleng mangyari.

“Sana po aksyonan kami ng gobyerno natin ng agaran, wag na nila hintayin na mas lumala pa ang gulo dito bago sila kumilos, kase po marami pong natatakot na dito dahil ang gobyerno dito at mga citizens dito mga nakahanda na. Alam kase nila ung magaganap dito”, anang mismong mensahe ng Bulakenyang OFW sa Remate.

Samantala, sinabi naman ng isa pang Bulakenyang tubong Brgy. Sta. Ana, Bulakan na nasa Doha Quatar, bagamat malayo sa mga naririnig nilang pagsabog ay pansamantalang tigil ang kanilang mga trabaho.

Para umanong pandemic sa kanilang lugar dahil nasa loob lamang sila ng bahay at ang ibang OFW ay pawang nasa work from home na lamang dahil delikado ang pagbiyahe papunta sa kanilang mga pinapasukan.

Kaugnay nito, ayon kay Malolos Mayor Christian Natividad, nakahanda na ang kanilang panibagong Help Desk na nais tumulong sa usaping repatriation, kung kailangan ng pamasahe pauwi, tulong sa pamilyang umaasa sa mga OFW na nawalan ng tranaho at anumang tulong na kayang ipaabot ng pamahalaang lungsod para sa mga kababayan nilang Malolenyong naiipit sa kaguluhan sa gitnang silangan.

Sinasabing maraming OFW na nasa gitnang silangan ang nagdarasal na gabayan sila ng Panginoon at matapos na ang sigalot sa Gitnang Silangan. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here